ayaw ko ang matulog
ayaw ding pumikit
ni ayaw maidlip
para bang sa aki'y bangungot ang kalakip
ayaw kong dumilat
ayaw ding gumising
takot sa katotohanang...
ako'y nahimlay na't wala sa iyong piling
gawa ng bangungot na sa aki'y kumitil