ngayon...
kasabay ng pagsikat ng araw
ang pagsambulat ng damdaming
naghihimutok...
naghuhumiyaw...
bunga ng mga panahon ng pananahimik
tila nagbabadya ng katapusan, ng wakas...
wakas na ni minsa'y hindi sumagi sa isipang
kailan lang ay musmos
kamusmusang patungo sa mapaglarong tadhana
tadhanang hindi inalintanang akin...
at...
sa aking mga kamay
ngayon ang araw ay hindi na muling masisilayan...
No comments:
Post a Comment